ISKWATER

Iskwater 
Ni Luis G. Asuncion 
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan 


Pagtataya
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? 
– Ang sentral ng paksa ay Ang kahirapang naranasan ng mga taong namuhay sa lugar na tinatawag na iskwater o ang lugar ng kahirapan.


2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
– Kagaya nalang ng pagbabanta ng gobyernong ipapademolish ang mga kabahayan sa eskwarter na lugar at ang pagpaatayo ng mga magagandang bahay ng mga taong mayayaman kahit alam nilang kaid ang lugar at amumuhay ng mga taong mahihirap. Dahil dito ay nadagdagan ang problema ng mga taong mahihirap kong paani sika makahanap ng matiwasay na pamumuhay kasama ang kanilang mahal sa buhay.

3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
– Ang layunin ng may-akda sa paksang tinalakay ay ang pagkakariin ng matiwasay at mapayapang pamumuhay sa mga taong namumuhay sa lugar ng kahirapan o iskwater erya, dahil sa kalupitang ibinahagi ng gobyerno at mga mayayamang wala ng alam kundi manira ng pamumuhay ng ibang mababa pa sa kanila.


4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
– Ang ideyang sinasang-ayon ko sa sanaysay ay ang umiral ang mga people's plan sa mga maralitang komunidad para magkaroon ng matatawag na sariling tahanan at disenteng tirahan ang mga taong namumuhay sa iskwater, at sa hindi ko namang sinasang-ayon na ideya ay ang pagplano ng mga gobyernong pagigibain ang mga pamamahay sa iskwater erya at ang kayabangan ng mga mayayamang tao na bagong lipat sa lugar na pinag-uusapan.


5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
Ipaliwanag.
– Talagang masarap mamuhay ng mapayapa kapag nagkakaisa't nagtutulungan at walang sinuman ang nag hahadlang upang makamtan ang daan tungo sa kapayapaan. Naging silbi din utong inspirasyon sa akin upang harapin ang hamon sa buhay at makamtan ang pinapangara sa buhay.


6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
– Nagbigay kaalaman sa akin ang pagtalakay ng sanaysay, kung gaano kahurap ang sitwasyin ng mga mahihirap na namumihay sa iskwater erya kumpara sa mga ibang mayayamang naninira ng buhay ng iba at kung paano nilalabanan ng mga mahihirap ang kanilang karapatanag mamuhay lamang sa iskwater erya laban sa kamaliang desisyon ng mga gobyernonna patanggalin sila sa kanilang kinaruru-onan.


7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
– Ang paksa ay hango sa totoong buhay na kung saan ay hanggang ngayon ay maramii parin ang nakatirang mahihirap sa iskwater erya dahil sa walang permanenteng lupang matutuluyan, walamh trabaho walamg pera, at hindi suportado ng mga gobyerno. Karagdagan pa nitong pandemya na nagbibigay takot, dismaya, pangamba, kahirapan, at kalungkutan sa mga mahihirap. Subalit, mabigyan ito ng solusyon japag ang lahat ay may pagkakaisa at pagtutulungan lalong lalo na ang mga gobyerno at mayayaman upang makamtan ang pamumuhay na walang halong pait at kahirapan.

Mungkahing Gawain 

. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.






Comments

Popular posts from this blog

Babae ka Ni Ani Montano Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat