Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat
Gabay sa Pagsusuri
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
– Para sa aking paniniwala ay mayroong malalim na paliwanag at kahulugan ang akdang ginawa ni Rolando A. Bernales na "Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" na ang ibig sabihin ay kung gaano kahirap ang naranasan ng mga kabaklaan sa mata ng ibang tao. Sinasabi ng may akda sa pamagar na ang mga Bakla ay parang nakabayubay sa krus ng kalbaryo dahil habang sila ay lumalakad sa lansangang puno ng kahusgahan ay para nalamang sila'y naglalakat hawak ang krus ng kalbaryo na nakapatong sa likod, kaya't walang humpay na husga ang kanilang natatanggap kaninuman.
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
– Ang mga iba't ibang mukha na sinabi sa tula na ang mga bata, matanda, lalake, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o di-kakilala ay ang nga mukha na kung saan ay sisira o hahadlang sa iyong minimithiing kagustuhan. Mapakad ka kung walang magpukol ng bato o mangangalas na bumulalas ng pangungutya kapag sila'y iyong nakaharap o nakita dahil walang takas sa mga mata ng lipunang pu ng panghuhusga.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
– Sinasabi sa tulang "Likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala" na nagdidiktang ang pagigung bakla ay isang kasalanan na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo. Ito ang dahilan kung bakit napapahirapan ang mga baklang mamihay ng mapayapa dahil sa likong kultura't tradisyon at sa bulok na paniniwala ng mga taong mapang husga dahil alam naman natin na hindi kasalanan ang pagiging bakla at walang nakasaad sa bibloya na nagpapatunay na ang pagiging bakla ay masama kaya't may ruong karapatan ang mga bakla na mamuhay ng pagiging bakla sapagka't sila ay may karapatang mamuhay dahil sila ay tao ding gawa ng Maykapal.
Comments
Post a Comment