"Isang Dupang Langit"

 Isang Dipang Langit 

(Armado V. hernandez)

Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, 

katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: 

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig 

at inaring kahit buhay man ay patay. 

Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, 

maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. 

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. 

Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo 

ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. 

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, 

sanlibong aninong iniluwa ng dilim. 

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo; kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. 

At ito ang tanging daigdig ko ngayon – bilangguang mandi’y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon 

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal. 

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: 

piita’y bahagi ng pakikilamas, 

mapiit ay tanda ng di pagsuko. 

Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, 

tanang paniniil ay may pagtutuos, 

habang may Bastilya’y may bayang gaganti. 

At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, 

sisikat ang gintong araw ng tagumpay… layang sasalubong ako sa paglaya! 


1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.
- Suriin kung anong uri ng tula? 

*Elehiya, dahil may halong dalumhati at malungkot na pangyayaring naganap sa tula.

Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?

*Bayograpikal, patungkol ang teoryang ito sa karanasan at kasaysayan sa buhay ng may akda.

- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.

* Kahirapan at dalumhating kanyang naranasan sa luob ng bilanguan.

- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.

* "At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay… layang sasalubong ako sa paglaya! " 

Makikita sa ika labing-isang saknong na ibig sabihin ay merong walang humpay na kaligayahan at buhay na walang hanggang humihintay sa mga taong nag sakripisyo't nagpakagirap sa lipunang walang katarungan.

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.  

*Amado Vera Hernandez, isang "Pilipinong manunulat na manggagawa" At isang pinuno ng mga Pilipinonh manggagawa na nakilala sa pagpuna ng mga walang katarungan sa lipunang Pilipinas nong kanyang kapanahunan. Subalit, kalauna'y nabilango siya dahil sa kaugnayan niya sa mga Kilusang Komunista at siya din ang punong tauhan sa bukod tanging kasong panghukuman na tumagal ng labing-tatlo (13) na taon. Ipinanganak si Amado V. Hernandez sa Tondo, Manila, Pilipinas noon Setyembre 13, 1903 at namatay noong Marso 24, 1970 na nay edad 66 taong gulang.

3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez.

* Ang tulang " Isang Dipong Langit" Na ginawa ni Amado V. Hernandez noong siya ay nasa luob ng kulungan ay nagpapahiwatig kong gaano kahirap mamuhay sa luob ng bilangguan. Pinapahiwatig nya ang kanyang karanasan sa luob ng bilangguan at iba't ibang dalumhati at kahirapan ang kanyang naranasan sa luob ng kulungan. Dahil sa kadahilanang pag-uugnay sa mga Kilusang Komunista at punong taohan sa bukog tanging kasong pang hukuman dahil sa lipunang walang katarungan at sa huli, Diyos lang ang nakakaalam ng katotohanang nangyayari sa lipunang walang kalayaan.

Comments

Popular posts from this blog

ISKWATER

Babae ka Ni Ani Montano Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat